Isang Mapagmahal na Ama, Ilang Taong Pinag-ipunan ang pangarap na Sapatos ng Kanyang Anak!

Local News

Maituturin nang isang yaman ang pagkakaroon ng mabubuti at responsableng mga magulang na handang gawin ang lahat para sa mga anak. Ang pagiging isang magulang ay hindi madaling responsibilidad dahil kinakailangang unahin ang kapakanan ng mga anak. Ito naman ang ipinakita ng isang mapagmahal na ama sa kanyang anak na lalaki.

Makikita sa ilang larawan na ibinahagi ng Heaven Elements Facebook Page ang mag-ama na nasa isang shop. Ang ama ay mapapansing nagbibilang ng pera sa harap ng cashier. Sa naturang post ay sinabing ilang taong inipon ng ama ang pera na kanyang binibilang.

Sa larawan ay bumibili ang mag-ama ng sapatos na pinapangarap ng anak. Ayon pa sa ama ng lalaki ay hangga’t nabubuhay siya ay gagawin niya ang lahat, mapasaya lang ang mga anak at handa din umano siyang itaguyod ang mga ito sa marangal na paraan.

Tunay ngang isang dakilang ama si Tatay. Lubos ang kanyang pagmamahal sa mga anak at handang gawin ang lahat, maipakita at maiparamdam lamang sa kanyang mga ang umaapaw niyang pagmamahal para sa mga ito.

Basahin ang nakakaantig na post mula sa Heaven Elements:

“Guys! Pasikatin natin itong si tatay, binili nya ng sapatos yung anak nya na ilang taon nyang pinag ipunan sa alkansya, habang binibilang nya yung mga barya sa counter bakas sa mukha ni tatay ang saya at ngiti dahil nabili nya yung pinaka inaasam ng kanyang anak na sapatos, hanggat nabubuhay daw sya ay gagawin nya lahat para mapasaya ang kanyang mga anak at itataguyod sa marangal na paraan.. Wow! dakila ka tatay, saludo kami sa’yo nawa’y marami pang blessings ang dumating sa buhay nyo..”