Isang Mapagmahal na Ina, Binigyan ng Simpleng Birthday Party ang Anak Kahit na Salat sa Buhay!

Local News
Marahil lahat ng ina ay gagawin ang lahat para sa kanilang anak. Wala nang mas hihigit pa ang ligaya na dulot ng anak para sa ina kaya naman binubuhos nila ang lahat maibigay lamang ang nais ng kanila anak. Ito ay pinatunayan ng isang ina nang magbigay ng simpleng birthday celebration o party para sa kanyang anak kahit na kapos umano siya sa pera.

“Pangarap talaga niya ‘yun marami siyang hinihingi wala naman kaming pera. Gusto sana kahit simple maranasan naman ng anak kong makapag birthdya party,” kuwento ng ina na si Mary Ann.

Nagsilbi namang venue ang makitid na bangketa sa Capt. M. reyes St. sa Makati para sa espesyal na ika-7th birthday ni Janella Mae.

Pinagbihis din ng unicorn dress at hairband si Janella para sanyang birthday party. Nagkabit rin ng karton ang kanyang ina na may nakasulat na “Happy Birthday Janella!” May ilang lobo din na nakalagay sa paligid ng karton.

Ang pangyayaring ito ay nakita ni Kim kaya namana ay agad niyang kinuhanan ng litrato ang nakakaantig na eksena ng mag-ina. Dahil dito, agad na nag-viral ang larawan ng mag-ina sa social media.

Marami at bumuhos naman ang tulong na natanggap ng mag-ina mula sa mga netizens. Lubos ang pasasalamat ni Mary Ann lalo na’t nitong Lunes lamang ay diumano’y nanakawån pa siya habang nakatulog sa bangketa.

Sa mismong kaarawan ni janella ay marami ang nagbigay ng regalo at pagkain gaya ng unicorn cake, spaghetti, donut at marami pang iba.