Isang Mapagmahal ng Ama, Hinangaan ng Marami Nang Mapagtapos ang Kanyang Apat Na Anak sa Pag-aaral!

Local News

Marami sa mga ama ang nagsusumikap ng mabuti para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Kadalasan pa ay nagdodoble-kayod pa sila para lamang maitaguyod ang mga pangangailangan ng pamilya. Maituturing na sila ay mga super hero dahil handa silang hamakin ang lahat para lamang sa ikabubuti at ikagaganda ng buhay ng kanilang pamilya.

Labis namang hinangaan ng mga netizens ang isang larawan ng ama na nagtitinda ng scruzhies. ANg ama na ito ay kinilalang si Tatay Geronimo na nakapagpatapos ng apat na anak sa pag-aaral.

Ang larawan ay ibinahagi ni Krissia Mae Nieverra sa social media. Ayon kay Krissia Mae, naglalakad umano noon si Tatay Geronimo at naglalako ng scrunchies na tag-10 pesos ang isa. Murå man ang presyo ay maganda at maayos naman umano ang kalidad nito.

Kilala si Tatay Geronimo bilang isang masipag at mapagmahal na ama sa kanyang mga anak. Dahil sa kanyang pagsusumikap ay nagbunga lahat ito.

Napagtapos niya ang kanyang apat na anak at sobra ang saya ang dulot nito kay tatay Geronimo. Kaya naman, proud na proud siya dahil naigapang niya sa pag-aaral ang kanyang mga anak kahit pa salåt sila sa buhay.

Lubhang nagpapasalamat naman ang kanyang mga anak sa mga taong humanga sa kanilang ama. Sa katunayan pa ay kung proud umano ang kanilang ama dahil nakapagtapos sila ng pag-aaral ay mas proud sila sa kanilang ama dahil kung hindi dahil sa kasipagan nito ay hindi sila makakapagtapos.

Ang pagtatrabaho ng marangal ay hindi dapat ikinakahiyå bagkus ay ipinagmamalaki pa. Katulad ng mga anak ni Tatay Geronimo, taas noo nilang ipnagmalaki ang kanilang ama na masipag na nagtitinda ng scrunchies para lamang maitaguyod sila sa pag-aaral. Tunay ngang inspirasyon si Tatay Geronimo para sa lahat ng mga ama.