Isang Medtech , Nagpaiwan sa Ospital upang Tapusin ang Ginagawang lab test habang may SUNOG!

Local News

Isang Medical Technologist sa Surigao Del Sur ang piniling tapusin ang isinasagawang lab test kaysa ang lumikas sa ospital ng magkaroon ng sunog sa malapit sa building ng ospital na kinaroroonan nila noong lunes.

 

 

 

 

Nakilala ang med tech na si Jeia Guingue na mula sa Adela Serra Ty Memorial Medical Center sa Tandag, Surigao Del Sur. Ayon sa mga katranaho ni Jeia ay nagulat daw sila ng magsimula silang lumikas ay hindi ito umalis, bagkus ay kinuha lamang nito ang bag nya at isinukbit, pagkatapos ay bumalik muli sa ginagawang lab test.

 

Pahayag naman ni Stefan Paul Balani na syang nag post at kumuha ng litrato ni Jeia ay ang ginagawa daw nya ay kailangan talaga dahil para ito sa newborn baby. Dagdag pa nya ay wala naman daw dapat ika bahala kay Jeia sapagkat ligtas naman daw nyang natapos ang lab test at naka likas din sya pagkatapos noon.