Isang OFW Mula Sa Riyadh, Umuwi Na Wala Ang Kaniyang Pamilya At Ang Bahay Niyang Naipundar

Local News

Hindi biro ang pagiging isang OFW. Napakahirap at napakarami nilang kailangan isakripisyo para lamang mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang pamilya na naiwan nila sa bansa.
Katulad ng ibang mga OFW, si Engineer Romeo Ordaz ay nagtatrabaho sa Riyadh, K.S.A sa pag-asa din na mas mabibigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya.

Siya ay nagtrabaho ng mabuti sa kabila ng pagiging homes1ck at kalungkutan na kaniyang nadarama dahil siya ay malayo sa kaniyang mga mahal sa buhay. Ngunit, nang plano niyang isorpresa ang kaniyang pamilya sa kaniyang pag-uwi, tila ba siya pa ang mas na-sorpresa sa mga pangyayari na hindi niya aakalain.

Lubos pa naman din ang kasiyahan at excitement na nadarama ni Ordaz na makita muli ang kaniyang pamilya.

Ngunit nang siya ay bumalik na sa bansa, ang kaniyang pamilya ay wala na gayon na din ang kanilang bahay. Hindi niya maintindihan ang mga biglaang pangyayari.

Isang netizen ang nag-post ng kaniyang kwento sa Twitter matapos niyang makita ito sa SM Southmall na tila ba may dinaramdam. Doon nalaman ni Mae Regala na umuwi pala ng bansa si Ordaz noong taong 2011 at simula noon, hindi na niya kailanman nakita pa kahit ang anino ng kaniyang mahal na pamilya.

Ang mas nakakagulat pa ay wala na din ang bahay mula sa dati nitong pinagtayuan.

Naisip ni Mae na i-post ang kwento ni Ordaz sa pag-asa na makikita ito ng kaniyang pamilya. Sinabi ng engineer na hindi siya sigurado ngunit buhay pa ang kaniyang mga magulang na sina Arturo at Conchita Ordaz ngunit siya ay mayroon pa namang ilang kamag-anak. Si Ordaz ay walang asawa at anak. Binanggit din niya na mayroon umanong kumuha o tumangay sa kaniyang pera. Hindi naman maiwasan ng mga netizen na magtaka kung ano ang nangyari sa kaniyang pamilya at pati na din sa bahay nila.

Kung mayroon man na nakakakilala sa lalaki na ito o sa kaniyang mga kamag-anak, siya ay makikita lamang sa SM Southmall.