Isang Pasahero, Ipinagmaneho ang Inaantok na Matandang Taxi Driver!

Local News
Viral ngayon sa social media ang isang babaeng pasahero na si Cristina Tan Villanueva na ipinagmaneho ang 70-anyos na taxi driver dahil sa sobrang antok nito. Umani ng ibat ibang positibong komento ng ipost ni Cristina ang kanyang karanasan sa pag dadrive ng taxi.

Kwento nya ay habang nasa byahe sila, bigla na lamang sinabi ng taxi driver na ililipat sya ng taxi dahil hindi na daw nito umano kayang magmaneho sa sobrang antok. Sagot naman ni Cristina ay delikado naman daw kung ibaba nalang sya kung saan at baka hindi pa sya agad makahanap ng masasakyan, kaya naman ay sinabi nalang nya sa taxi driver na sya nalamang ang mag maneho.

 

Noong una ay nag dalawang isip pa ang taxi driver kung marunong ba talaga syang magmaneho ng sasakyan, pero hindi kalaunan ay pumayag nadin ito. Habang sya ang namamneho ay nakatulog na ang matandang taxi driver, may mga pagkakataon daw na pinapara sila ngunit kapag nakikita na sya ang mamaneho ay nagugulat sila.

 

70 yrs old na daw ang matandang taxi driver, at ayon dito ay panahon pa daw ni Marcos ay nag da drive na sya ng taxi. Puro babae din daw umano ang kanyang mga anak kaya naghahanap buhay parin sya hanggang ngayon. Nang makarating na sila sa bahay nila Cristina ay tsaka na lamang sya ginising ang driver.