Isang Rider, ibinenta ang mamahaling helmet para matulungan si Reymark

Local News

Motoristang miyembro ng Enthusiast, ibinenta ang personal na mamahaling helmet upang matulungan ang batang si Reymark Mariano.

 

 

 

 

Matapos maitampok ang kwento ng isang 10-years old na batang si Raymark Mariano sa isang programma ng Kapuso Mo Jessica Soho, ay maraming netizen ang naawa sa kalagayan nito kaya’t marami rin ang nag paabot ng tulong upang matulungan ang batang si Reymark. Isa narito ang isang Motorcycle rider na si Jerick, Mitra miyembro ng isang sikat na grupong riders na Enthusiast ang nakapanuod sa kwento ng bata.

 

 

 

Labis ang kaniyang awa sa kalagayan nito kaya’t naisipan niyang ibenta ang kaniyang personal na mamahaling helmet upang mag-abot ng tulong sa bata. Ipinakita niya ang kaniyang helmet sa social media sa mga taong gustong bilhin ang kaniyang helmet upang makatulong, marami ang gustong bumili at may iba pang imbis na bilhin ang helmet ay nag paabot nalamang ng tulong upang makatulong narin.

Labis naman ang pasasalamat ng batang Si Reymark sa mga taong patuloy paring tumutulong sa kanila at sa kaniyang lolo at lola sa mga maliliit paniyang kapatid. nagpasalamat rin si Jerick Mitra sa mga taong nag-pasabay mag-abot ng tulong sa bata dahil malaking tulong ito para sa batang si Reymark.

Maraming netizen ang natutuwa sa nangyayaring magandang naidudulo’t ng social media na unti-unting gumaganda ang buhay ng batang si Reymark na sana’y huwag ito mag bago at patuloy na lumaking mabait at maging responsableng bata.