Isang Single Mom, Dating Tumutulong sa Iba at Ngayon ay Siya Naman ang Nangangailangan ng Tulong!

Local News
Isang concerned netizen ang humihingi ng tulong para sa babaeng may malubhang karamdaman. Madalas umanong tumutulong si Esel noon sa iba at likas na ang pagiging matulungin sa kanya hanggang sa mgakaroon na siya ng malubhang karamdåman ay ang iniisip pa rin niya’y kapakanan ng kanyang pamilya.

Ayon kay Leny Solis Samortin ay isang single mom itong si Esel. Sa kanyang facebook post nitong Mayo 8 ay makikita ang malaking pinagbago ni Esel. Wala na siyang buhok at halos but0’t balat na rin. Nakikiussap naman si Leny sa mga netizens na sana ay mabigyan ng tulong si Esel.

Sa ngayon ay umabot na ng 7.9k reactions, 7.8k comments at 8.6k shares na ang naturang post, narito naman ang kabuuang pahayag ni Leny sa kanyang facebook account:

“Isang single Mom na walang inisip kundi ang pagtulong sa pamilya, ang maihaon sa kahirapån ang kanyang mga magulang. Nang aking dinalaw kasama ang aking asawa ang kapitbahay kong ito na namasdan ko ang kanyang paglaki mula musmos hanggang sa nagkaisip ay walang bukambibig hanggang sa ngayong yugto ng kanyang buhay kundi ang matulungan ang kanyang pamilya…

 
Esel: “Manang naaawa ako sa Mama at Papa ko ni walang pambili ng bigas tapos ako walang pambili ng diaper”… Naaawa ako kay kuya Jay-r ko kasi nagcoconstruction lang”

Ako: Naku wag mong iniisip yan kasi nakakadagdag sa stress mo yan… Magpagaling ka hayaan mo at isasama kita sa prayers ko. Heto konting tulong at hihingi tayo ng tulong sa mga foundation at mga charity…


Isang batang mapagbigay ang ngayon ay kumakatok sa inyong puso ng tulong na mula sa puso para sa kanyang mabigat na karamdaman..


Magandang araw po sainyong lahat.

Kami po ay taos pusong lumalapit at humihingi ng tulong para sa aming kaibigan na nakikipaglaban ngayon sa såkit na ovårian canc3r at sakit sa dug0.

Kahit magkanong halaga ay sobrang napakalaking tulong na po nito sakanila.
Para sa nga nais tumulong ito po ang aming detalye
RHEA MURAO
09772351946 ito ang gcash ng kanyang ate RHEA..
or contact me at my cp number 09057320966 or via messenger

Brgy. Carosalesan, Umingan, Pangasinan
Maraming salamat po sa mga nais tumulong
Isama narin po natin siya sa panalangin na sana gumaling na.
Ang maliit na halaga ay malaking tulong po  (kahit piso man po yan pag naipon malaking tulong nadin po) GOD BLESS YOU”