Isang Vendor, Binangga ng Trike Dahilan kaya Natapon ang lahat ng Paninda nito!

Local News

Ngayong mayroon lumalaganap ngayon ng Pandemic , napaka hirap humanap ng pagkakakitaan at trabaho. Dahil sa maraming safety protocols ang ginagawa at pinapatupad para sa mga nagtatrabaho at empleyado.

 Ngunit kahit napakahirap na ng ating buhay sa ngayon, ay mayroon parin mga walang pusong tao. Katulad na lamang ng taong gumawa nito kay tatay na isang fruit vendor na naka sidecar. Habang dumadaan si tatay sa may makipot na daan ng iskinita nang Daffodil St, Brgy Rizal, Makati City may naka salubong si tatay na isang trike driver at binangga si tatay.

 

 Dahil sa pag kakabangga kay tatay ay natumba ang kanyang lahat ng paninda, at nagkalat sa kalsada. Wala ng nagawa si tatay kundi pulutin na lamang ang kanyang natapong paninda, dahil dumere deretso na ang trike driver. Hindi manlang nabawi ni tatay ang puhunan na nagastos at nagamit nya sa mga panindang ito.
Ito ang naturang post ng isang ni Semizero Cruz ang nakakita kay tatay: “SA MGA TRIKE DRIVER NA DUMADAAN SA ISKINITA NANG DAFFODIL ST.BRGY.RIZAL MAKATI CITY…WAG MASYADONG SIGA SA DAAN..DI LANG PO KAYO ANG NAGTRATRABAHO.””