itinaob ang mga panindang siomai ng isang lalaki

Local News

Itinaob ng isang Barangay Public Safety Officer (BPSO) ang mga panindang siomai ng isang lalaki sa Banawe Orthopedic, Cor. Maria Clara.

Larawan ay mula sa Raffy Tulfo Solid Supporter – Facebook Page

Sa post ng Facebook page na Raffy Tulfo Solid Supporter, mababasa ang ganitong caption: “ “Kung Wala kana makain at magagawa kylangan mo Rin kumita” Nakaka awa Lang si tropa SIOMAI nag hahanap buhay Ang tao , hirap mag hanap buhay sa kalsada. 5:20 Lang ito ngayare dito sa BANAWE ORTHOPEDIC, COR. MARIA CLARA. alam naman nya Ang rules ng barangay STO.DOMINGO pero si kuya BPSO tinaob parin Ang paninda nya. Sya po ung nasa picture . Pa SHARE nlang po.

Larawan ay mula sa Raffy Tulfo Solid Supporter – Facebook Page

Larawan ay mula sa Raffy Tulfo Solid Supporter – Facebook Page

Tulungan naten si kuya siomai sa pag gamit ng SHARE maraming salamat . #raffytulfoinaction”

Makikita sa mga larawan na tila kinakausap ng BPSO ang lalaking naglalako ng siomai. Pero sa ibang litrato, makikita na ang tindero, kasama ang isa pang lalaki, na namumulot na ng kanilang mga paninda at gamit sa gitna ng kalsada. Makikita rin sa larawan ang nakatalikod na BPSO na nakatayo lamang.

Inulan naman ito ng negatibong komento mula sa mga netizens.

Pahayag ng isa, grabe umano ang ginawa ng lalaki sa tindero dahil hindi naman daw niya alam kung saan nito kinuha ang kanyang pinangpuhunan. Wala raw itong puso dahil itinapon na lamang niya basta-basta ang mga panindang siomai.

“Pandemic na nga magtatapon pa ng food na pinagkakakitaan ng vendor. Pwd nman paalisin ang hirap na nga ng buhay ngayn maliit na pinagkakakitaan na nga lng itatapon pa. Dapat ma karma na ang mga gumagawa ng ganyan sa kapwa nila,” dagdag ng isa pang nagkomento.

Minura naman ng isang netizen ang BPSO na gumawa ng pantataob sa mga paninda ng siomai vendor.

Sa ngayon ay mayroon ng 312 reacts, 178 comments, at 436 shares ang nasabing post.