Jennica Garcia, emosyonal na ni-live selling na ang lahat ng memorable na gamit nila ng asawa para makapag simula na ng panibagong buhay kasama ang mga anak

Local News

Gusto na ng “fresh start” ni Jennica Garcia kasama ang kanyang mga anak. Umugong ang usap-usapan na hiwalay na si Jennica sa kanyang asawa na si Alwyn Uytingco.

Ito ay matapos mag post ng malalalim na mensahe ang Kapuso actress sa kanyang social media. Nagtanong din siya sa mga followers niya kung paano papalitan ang kanyang username sa Instagram na nakasunod sa apelyido ng kanyang asawa.

Ngayon nga, lilipat na sa bagong tirahan si Jennica kasama na ang kanyang mga anak.

Sa katunayan, ibinenta na din ng Kapuso actress ang kanyang mga kagamitan sa bahay pati ang gamit nila mag-asawa.

“LIVE SELLING our clothes (for women and children), home items, furniture and more this afternoon, 3PM.

“Break po tayo sa pag tinda ng 6PM magpapatulog lang po ng mga bata then LIVE AGAIN ng 9PM on my Facebook Page: Jennica Garcia,” post ni Jennica.

Pagpapatuloy niya, “Marami po ito gawa ng ayoko na po sana dalhin pa sa lilipatan namin na unit ng mga bata. Start fresh ika-nga. Hanep! Naka hugowt pa sa morning. Sana sold out po ulit tayo ha? See you!!!”

Matatandaan na iniwan ni Jennica ang showbiz upang mamuhay ng simple kasama ang mga anak at asawa. Nag tagal din ang dalawa at tahimik ang naging pagsasama.

Magkakaroon na ng panibagong yugto ang buhay ni Jennica na kasama na lamang ang kanyang mga anak.

Anong masasabi mo rito?