Jimmy Santos, pinakita ang kanyang pag-“sideline” sa palengke

Local News

Sa kanyang panibagong vlog na pinamagatang, Jimmy Santos suma sideline sa palengke, sinadya ni Jimmy Santos ang Pampang public market sa Angeles City, Pampanga kung saan kinamusta niya ang mga taong naghahanap-buhay.

Sa isang bahagi ng kanyang video ay tumulong siya sa paghiwa ng karne na itinitinda sa isang meat stand. Nakipagbiruan din siya sa mga taong naroroon at marami ang naaliw sa kanyang natural na pagiging komedyante.

Marami din ang humanga sa pagiging simple nito sa kabila ng kanyang kasikatan noong aktibo pa siya sa showbiz.

Narito ang ilan sa reaksiyon ng mga netizens:

Eto po ang halimbawa kung papaano mag-entertain at magpatawa nang hindi nanlalait ng ibang tao. Maraming salamat po Tito Jimmy!

Jack of all trades! Masipag talaga c Jimmy Saints natin. Will wait how you do your palengke sideline. . Nakakaaliw! More to learn from you Big Beautiful Boy of the Philippines.

Completos recados ang inyong blog Kuya Jimmy. May sangkap ng history, hinaluan ng reality mula sa iyong mga interviews sa mga kababayan natin kung ano na ang kanilang paghahanap buhay ngayon. At higit sa lahat ay may karagdagan pang mga nakakaaliw mong jokes na kwelang kwela, parang spices

na nakakagana sa amin para lalo ka naming tangkilin. Completos recados talaga..wala ka nang hahanapin pa. Keep it up Kuya Jimmy, my idol.