Jollibee Mascot himalang hindi nasunog matapos ang dalawang araw na sunog sa loob ng isang mall

Guide, OFW News

Tinupok ng malakas na apoy ang Gaisano Grand Mall sa Antique inabot ng dalawang araw ang pag-apula ng sunog, matapos ang insidente sinilip ng mga bombero ang laman ng naturang Mall at laking gulat nila sa loob nito na himalang hindi tinupok ng apoy ang isang Mascot na Jolibee.

Ayon pa sa salay-say ng ilang mga saksi sa pinangyarihan ng sunog nagsimula ang sunog araw ng Huwebes June,17 bandang 5:30pm nang makitang may umuusok sa loob ng Gasiano Mall, wala namang naiulat na nasaktan sa sunog.

 

 

Ayon pa sa kanilang pag iimbestiga inabot ng dalawang araw ang pag-aapula ng sunog dahil sa mga nakaimbak na mga kagamitan sa loob ng naturang mall at mahigit Php80 million ang pinsalang inabot nito.

Gayon paman maraming netizen ang pumuna sa Mascot ng isang Fastfood chain ng Jollibee dahil sa halos dalawang araw ang sunog at halos lahat ng laman ng Gasiano Grand Mall ay tinupok nito, ngunit himalang hindi man lang nasunog ang mascot na si Jollibee.

 

 

Saad tuloy ng marami “Jollibee lang sakalam” at marami ring netizen nag pabirong nagsabi “baka sambahin na si Jollibee niyan dahil hindi nasunog tulad nalamang ng puong nazareno nuong unang panahon ang kwentong hindi nasunog ang imahe”