Kaawa-awang Bata, Isinilang na Walang Mga Mata!

Local News
Mahiråp para sa isang magulang na magkaroon ang anak na malubhang karamdaman o nakakaåwang sitwasyon. May ilan sa mga isinisilang na sanggol ang mayroong hindi normal na kalagayan, tulad ng may pingas sa labi, walang pang-dinig, hindi makapagsalita, hindi kumpleto ang pisikal na katawan o kung minsan ay wala ding paningin.

Katulad na lamang ng isang batang kinilala sa pangalang John Dave. Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng programang Kapus0 Mo, Jessica Soho sa kanilang facebook page ang kaåwa-åwang sitwasyon ni John Dave.

Walang mga mata ang bata na lubhang kinaåwaan ng mga netizens. Mahrap din sa mga magulang ni John Dave na sina Jun Mark at Aldelfa na nakikita ang kalagayan ng kanilang anak.

Pahayag ni Jun Mark, ama ni John Dave, “Nung una kong nakita ‘yung anak ko na walang mga mata, nanikip ‘yung dibdïb ko. Umiyak ako. Tinanong ko ang Diyos kung bakit siya nagkaganyan. Sinabi ko sa sarili ko na kung puwedeng ilagay sa kanya ‘yung mga mata ko para lang makakita siya, gagawin ko. Gusto kong makipagpalit ng sitwasyon sa kanya. Para makakita siya ng liwanag. Para hindi na niya kailangan pang magtiis. Sana po makakita pa siya.”

Ayon naman sa ina ni Adelfa, kahit na ano pa man ang sitwasyon ni John Dave ay aalagaan at mamahalin niya ang kanyang anak dahil ibinigay ito sa kanya ng Diyos.

“Kapag sinasama ko siya para kumuha ng module ng mga kapatid niya, maraming tanong ‘yung mga tao. May mga nagsasabi na kung anak daw nila ‘yun, hindi nila matatanggap. Sinasagot ko sila na kung ano ang ibinigay ng Diyos, aalagaan at mamahalin ko hanggang nabubuhay ako. Anak ko ‘yan eh. Mahal na mahal namin si John Dave,” pahayag ni Adelfa.