Kababayang nating OFW na Buto’t balat na, hindi pinapakain umano ng among Arabo

Local News

Sa litratong ibinahagi ng OFW Join Force facebook page, makikitang ang buto’t balat na pangangatawan ng isang OFW na si Sally Bustria Sulatre. Siya ay tubong San Antonio Cauayan at kasalukuyang nag ta-trabaho sa Saudi bilang isang kasambahay doon.

Ani ni Sally, “Humihingi po ako ng tulong sa inyong lahat lalo na po sa aking kalagayan. Halos walang wala po ako nakakain sa bahay ng amo ko, naka lock po ang Ref.”

Dagdag pa nito, “At pati dalawang sahod ko di pa po binibigay at di po basta basta na ipapadala ng Amo ko ang pera sa Bangko. Matagal na po ako nagtiis sa bahay ng Amo ko.”

“Tulungan nyo po ako, lagi na po sumasakit ang tyan ko. Wala po ako makain.”

Dagdag pa dito ang hirap na kaniyang dinaranas ngayon dahil hindi siya marunong mag salita ng Arabic. Ayon din sa kaniyang sinalaysay na kwento, sinabi ni Sally na siya ay dalawang buwan na umanong hindi sini-swelduhan ng kaniyang amo.