Karla Estrada, Namahagi ng Pagkain at Community Pantry sa mga Tao Kasabay ng Pagdiriwang ng Kaarawan ni Daniel Padilla!

Local News

Marami na ang gumagawa ng community pantry sa iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas. Mabilis na kumalat ang mga community pantry dahil sa magandang layunin nito, ang maging bukas para sa mga taong nais tumulong at para sa mga taong nangangailangan ng tulong. Sabi nga sa kanilang quote, “Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.”

Kasabay ng pagdiwang ng kaarawan ng sikat na aktor na si Daniel Padilla ay gumawa ang kanyang ina na si Karla Estrada ng community pantry sa Takloban sa tulong ng kanyang ilang kaibigan. Ginawa nila ito sa pagsalubong sa kaarawan ng aktor. Malaki naman ang pasasalamat ni Karla sa mga tumulong sa kanya.

“Maraming Maraming Salamat sa aking mga SANGKAY (kaibigan) sa Tacloban sa pag organisa ng pag kakawang gawa. Ito aY buong puso nilang ginawa para sa pagsalubong sa kaarawan ni Daniel. Mabuhay kayo aking mga kaibigan !!! Masayang maging bahagi ng paghatid tulong sa kapwa. TO GOD BE ALL THE GLORY”

Ibinahagi niya ang ilang larawan sa kanyang instagram na nagpapakita ng kanilang pagtulong sa mga tao. Ayon sa kanyang caption, dahil sa pand3mya ay sila na lamang ang maghahatid ng kaunting salu-salo para sa mga tao lalo na sa mga taong nasa kalye lamang.

“Goood mooorning!!!!Pag May Birthday sa pamilya, matic na sa mga kasamahan ko sa bahay na dapat maraming imbitado! Pero dahil sa sitwasyon natin ay kami nalang mag hahatid ng kaunting salo salo sa inyo. kuya gising! Bertday ni Dj kain tayo! Salamat sa mga volunteers ko, MAC AT JINES !”

Marami naman ang nagpadala ng pagbati kay Daniel Padilla at marami din ang nagpasalamat dahil sa pamamagitan ng pagdiwang ng kaarawan ng aktor ay nagbahagi sila ng tulong sa mamamayan.

“Thank you Ford Fam for your kindness and generosity! May God bless your family more!”

“Thank you for this! Keep safe always, Ford fam.”

“You are blessed becaus of your kind hearts, tita.”

“Happy Happy Birthday Dj. God Bless you More.Thank you for Sharing your Blessings”