Kasambahay noon, Proud Magna Cum Laude ngayon na nakapagtapos sa edad na 30-anyos

Local News

Inspirasyon nga ang hatid sa marami ng kwento ng tagumpay ng 30-taong gulang na kasamabahay, na pinatunayan ang pangarap na makatapos ng pag-aaral ay walang pinipiling edad.

Si Grace Labrador Bacus, ay isang kasambahay na nagmula sa mahirap na pamilya. Siya ay pangatlo sa siyam na magkakapatid. Sa kanyang paglaki, ay unti-unting naiintindihan ni Grace ang takbo ng kanilang pamumuhay, na dahil nga sa sobrang kahirapan ng kanilang pamilya, ay alam na niya na hindi siya mapapag-aral ng kanyang mga magulang sa kolehiyo.

Nagmula si Grace sa isang payak na pamilya at habang lumalaki ay nakita niyang hindi siya kayang mapag-aral ng kaniyang mga magulang ng kolehiyo dahil siyam silang magkakapatid at sapat lang ang kinikita ng kaniyang ama para sa pangkain nilang mag-anak.

Pangatlo siya sa magkakapatid at matapos ang highschool ay namasukan agad siya bilang katulong sa pag-asang makaipon ng pera para sa kolehiyo at upang matulungan na rin ang kaniyang mga kapatid sa pag-aaral.

Makalipas nga ang sampung taon ay nagbunga ang pagtatrabaho ni Grace at nakapag-enroll siya sa kolehiyo sa edad na 26 taong gulang. Kumuha siya ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in English sa Talisay City College.

Tulad ng inaasahan, hindi naging madali ang pagbabalik eskwela ni Grace, dahil sa kinakailangan niya ring alagaan ang kanyang bunsong kapatid. May mga pagkakataon nga na kinakailangan niyang lumiban sa klase, dahil sa nagsasalitan sila ng kanyang nakakatandag kapatid sa pag-alaga sa bunso nilang kapatid.

Sa kabila nga ng masakit na salita na natanggap ni Grace sa kanyang guro, ay gagamitin niya umano itong inspirasyon upang mas maging mabuti siyang guro sa mga magiging mag-aaral niya sa hinaharap. Kung saan imbis na pagsalitaan ng hindi maganda,

ay mas uunawain at tutulungan niya ang mga mag-aaral na makamit nila ang kanilang mga pangarap sa buhay. Matagumpay ngang nakapagtapos si Grace ng kanyang kolehiyo, na may mataas na karangalan.