Kitang-kita sa kuha ng Cellphone ang nanay na pinilit ang 2 taong gulang na anak na tumagay ng Serbesa

Local News

Dumulog sa mamamahayag na si Raffy Tulfo si “Gerry” upang paaksyonan ang dating karelasyon na si “Giselle” dahil pinapayagan nito na uminom ang kanilang anak.

Sa programa ni Tulfo, makikita ang ina na pinatatagay ng nakakalasing na inumin ang sariling anak. Habang lango na ang bata ay mapapansin na tatawa-tawa pa si “Giselle”.

Sa isa pang kuha, makikita ang paslitna latang-lata na dahil sa sobrang lango at na-ihi na rin sa salawal. Mapapansin na ginigising pa ang bata ng nanay.

Napag-alaman din mismong si “Giselle” pa pala ang kumukuha ng footage sa bata habang umiinom. Ikinakalat din daw ni “Giselle” ang nasabing kuha sa social media. Lumabas din na pati ang mga anak ni “Giselle” sa bago nitong kinakasama ay pina-iinum din nito.

Nakipag-ugnayan naman si Tulfo sa mga kinauukulan para mabawi ang bata sa kaniyang ina. Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), gagawan sila ng paraan para mailigtas ang bata sa ina nito.