Kris Aquino, mamimigay ng P10,000 para sa 28 na mapipiling netizens

Local News

Kris Aquino, mamimigay ng P10,000 para sa 28 na mapipiling netizens
Ylmas April 10, 2021


Matapos ang kanyang mga matapang na salita bunsod ng mga naranasan ng kanyang anak mula sa ilang mga taong nagpakalat ng mali at malisyosong impormasyon sa internet, muling nagbabalik si Kris Aquino.

Ilang araw ding nanahimik ang Queen of All Media kasunod ng kanyang kontrobersiyal na tell-all video. Sa kanyang pagbabalik, good vibes ang hatid ni Kris.

Imbes na manatiling galit sa mga taong gumawa ng hindi maganda sa kanyang mga anak, pinili ni Kris na pasalamatan na lamang ang mga taong sumoporta at nagtanggol sa kanila.

Sa pagdiriwang ng kaarawan ng bunsong anak na si Bimby, mamimigay uli si Kris ng P10,000 sa bawat 28 na folowers niyang maswerteng mapipili.

Matatandaang namigay din si Kris noong kaarawan niya ngunit tig-P5,000 lamang bawat tao ang kanyang binigay. Napagpasyahan niyang doblehin iyon para naman sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang pinakamamahal na anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)