Kubang lola, patuloy na nagtitinda ng puto para lamang may maipakain sa dalawang apo na iniwan ng anak niya sa kanya

Local News

Kamakailan lang ay nag-viral sa social media. Isang concerned citizen ang nagbahagi sa nakakahabag na kwento ng lola na ito, na kahit pa matanda na ay tuloy pa rin ang pagkayod para sa pamilya niya. Ibinahagi ng netizen na ito ang kwento ni lola sa social media.

Ayon sa post, araw-gabi naglalako si Lola ng kanyang tinitindang puto. Madaling araw pa lamang daw ay umaalis na ito sa kanyang bahay, dala-dala ang basket na may lamang puto. Nag-iikot ikot si Lola kahit pa tirik ang araw para lamang maubos ang paninda niya.

“Nakasabay ko lang si nanay kanina sa daan. Nadurog ang puso ko nang makita siya ng ganun. Napakasipag naman ni nanay talaga kasi nagtitinda po siya ng puto tuwing madaling araw. Kahit na po ganyan ang katawan niya ay gumagawa pa rin ng paraan para buhayin nya ang dalawang apo nya na iniwan ng anak nya sa kanya.”

Ngunit ano nga ba ang nagtutulak kay Lola na maghanapbuhay pa sa kabila ng kanyang kalagayan? Nang makausap ng netizen si Lola, ibinahagi nito na mayroon siyang dalawang apo na kailangang buhayin. Iniwan daw ito sa kanya ng anak niya na simula noon ay hindi na nagsuporta para sa mga bata.

Maraming netizens naman ang nahabag sa kalagayan ni Lola. Mayroon ring tumawag sa atensyon ni Raffy Tulfo upang matulungan si Lola sa kanyang sitwasyon.

Ang iba naman ay nanawagan sa anak ni Lola na magpakita na at magsuporta sa mga anak nito upang hindi na mahirapan pa si Lola sa paghahanapbuhay.