Kutsinta vendor, naluha bagong motorsiklong bigay sa kanya ni Ivana Alawi

Local News

Ibinahagi ng kutsinta vendor na si Joselito Martinez na binilhan pala siya ng motorsiklo ni Ivana Alawi.

Maaalalang si Tatay Joselito, ang vendor na nagmalasakit kay Ivana nang magpanggap ito na namamalimos at wala umanong pamasahe pauwi ng probinsya.

Imbis kasi na ipagtabuyan o bigyan lamang ng maliit na halaga, Php20 ang ibinigay niya kay Ivana at binigyan pa niya ito ng makakain.

Dahil dito, labis na naantig ang puso ng aktres kaya naman bukod sa Php20,000 na unang ibinigay niya kay Tatay Joselito ay binalikan pa niya ito para dagdagan ng iba pa nitong mga pangangailangan.

Hindi pa man naibabahagi ni Ivana sa kanyang YouTube channel, marami naman ang nakakita nang ipamili ni Ivana si Tatay Joselito.

Hindi lang pala groceries, refrigirator at iba pang gamit sa bahay ang ibinili ni Ivana sa kanya.

Sa vlog ni Tatay Joselito sa kanyang YouTube channel, ipinakita niya ang bagong motorsiklo na ipinagkaloob din sa kanya ng aktres.

“Ang bait mo talaga, pinag-shopping mo pa ako, binigyan mo ako ng motor… Pasalamat po ako sa inyo”

Talagang naluha si Tatay Joselito at hindi niya akalain na ang simpleng pagmamalasakit sa inakala niyang pulubi ay magbubunga ng napakaraming biyaya.