Lalake. nilock ang mukha sa bakal para di manigarilyo!

Local News
Isa kaba sa mga taong hindi mapigilan ang paninigarilyo at hirap kang pigilan ito?, ganito ang situwasyon ng isang lalake sa Turkey na kung saan gumawa ito ng isang hawlang bakal na katulad sa isang ibon ngunit ang pinagkaiba lamang ay tanging mukha lamang niya ang naka lock. Dahil sa pagiging “chain smoker” nito.

Kinalala ang lalake na si ?brahim Yücel aniya dahil sa pagiging desperado niyang tumigil sa paninigarilyo ay gumawa siya ng paraan upang pigilan ito dito na niya naisip ang mag-pagawa ng hawlang bakal upang mapigilan ang paninigarilyo, may susi naman ito at hawak ito ng kaniyang misis ito nalamang ang nakikita niyang paraan upang mapigilan ang paninigarilyo binilinan naman niya itong bubuksan lamang ang hawla sa tuwing sila ay kakain.

Walang pumipilit sa kaniyang gawin ito, napag desisyonan niyang gawin ito sa kaniyang sarili upang mapigilan niya ang walang tigil na paninigarilyo dahil sa isang araw ay nakaka dalawang pakete ito ng sigarlyo kada araw.  Sa edad niyang 42 years old ay halos 26 years na siyang naninigarilyo at walang araw rito ang pumalya sa yosi.

Dahil dito na naisipan naniyang ilock ang kaniyang sarili sa hawla at kahit na gustong-gusto na niyang mag yosi ay hindi naman ibinibigay ng kaniyang asawa ang susi para ito’y mabuksan dahil ang usapan ay usapan at walang makakapigil rito saad ng kaniyang asawa. naawa man sa kaniyang kalagayan ay iniisip nalamang ng kaniyang misis ay para ito sa kaniyang kalusugan dahil alam naman ng marami na nakakasama sa katawan ng tao ang sigarilyo