LALAKI, DAHIL SA PAMBU-BULLY AT PAGIGING MATUMAL ANG OPORTUNIDAD, SAMPUNG BESES NAGPARETOKE

Local News

“Bata pa lang ako, madalas na akong i-bully. Tinatawag akong ulikba, ilang-daga. Sobrang sakit.
One time, nasa labas ako ng bahay. May kasama ako. She squeezed my face. Sabi niya, ‘Michael, ang pangit mo!’


So naging conscious ako. Marami akong naririnig na masakit na mga salita, pero I kept quiet. I processed things inside.

Nu’ng hindi pa ganito kaayos ang mukha ko, once a month lang akong kinukuha bilang host. Napapansin ko rin na parang hindi ako pinapansin ng mga tao, parang hindi sila interesado.

Sabi ko sa sarili ko, magaling naman akong mag-host. Magaling akong magsalita pero wala akong trabaho. Until I realized, hindi ako kinukuha kasi I look different. I needed to improve.

‘Yun ‘yung nagtulak sa akin na kailangan kong magpaayos. Since then, dumami gigs ko. Bago mag-pandemic, minsan dalawa sa isang araw ‘yung nakukuha ko. I was also able to host a lot of local and international pageants.

Ngayon na ganito na ako, I want to show that I’m a different person now. Hindi na ako ‘yung batang laging binu-bully.

Pero siyempre, may mga nagsasabi na mukha na raw akong robot. Masakit na makakarinig o makakabasa ka ng comments na ganyan. Pero ang akin lang, sana maintindihan ng mga tao why we want to enhance ourselves.

Hindi ko sila ine-encourage magpa-cosmetic surgery, gusto ko lang ma-realize nila kung bakit may mga taong nagpapagawa. May mga katulad ko na mahirap ang pinagdaanan.

Sana bago tayo magsalita o mang-judge, isipin natin kung paano makakaapekto ‘yung mga salita natin sa taong pagsasabihan natin. At the end of the day, ang pinakamahalaga ay kung ano ang nasa loob mo. Choose to be your own beautiful.”