Lalaki na Iniwan ng Kanyang Asawa, Sinunog ang Sariling Bahay Habang Naka-FB Live!

Local News
Viral ngayon ang isang video ng lalaki na diumano’y iniwan ng kanyang asawa. Makikita sa video kung paano niya sunugïn ang kanilang bahay habang siya ay nagsasalita sa kanyang FB Live. Ang naturang video ay ibinahagi ng Bandera News TV Philippines facebook page noong Hunyo 25. Hindi man maunawaan ng marami ng kanyang sinasabi dahil iba ang kanyang lenggwahe ay marami naman ang nakakaunawa sa lalaki.

Nangyari ito sa Abongan, Taytay, Palawan. Sinun0g ng lalaki ang kanilang bahay dahil iniwan umano siya ng kanyang misis. Mabilis na tinupok ng ap0y ang kanyang bahay dahil gawa lamang ito sa kahoy at abaka.

“Seguro, di natin alam kong anong storya, Kasi paras akin, parang di naman talaga gago to eh,, seguro sa sakit na kanyang dinadala, seguro siya ang ginago, pero, other side, mali parin ginawa niya, pero sana kuya ma. Okey yang pamilya mo tsaka ikaw din, di kami pwede humusga kasi dinaman namin alam..Godbless,” komento ni Kenneth Casing.

“May sinabi siya na sa tagalog ay parang ganito pagka intindi ko. “Hindi ako gag0, kayo ang gumawa ng paraan para maging Gag0 ako”Sobrang sincere niya, mas masakit makarinig ng taong naglalabas nang galit na walang luha. Kapag nadepress na talaga ang tao wala na di na alam ginagawa, God bless saiyo sir God is always with you,” saad naman ni Elvin Mojado Dagoc.

“ok lng yan bro,,mapalabas galit mo at bahay ang pjnag initan kaysa buhay nang tao sinunog mo,,malaking mali yun,,good luck nalng sa bagong tahanan mo later,alam ko don ka mg babago,god bless bro,,sna patawarin ka ng panginoon at mag ssisi kay sa ginwa mo,,” pahayag ni Renelo Ocules.

Umabot na sa 180k reactions, 59k comments at 73k shares ang naturang video. Ayon naman sa ulat ng GMA News TV, pagmamay-ari umano ng ina ng lalaki ang bahay at sinabi nito na hindi na niya sasampahan ng kas0 ang kanyang anak.