Lalaki na may malaking bukol sa likod, Patuloy na humaharap sa buhay

Local News

Nagsimula lang umano sa bukol na kasinglaki ng kalamansi, ngayon, mahigit 10 kilo na ang bigat nito at sinakop na ang halos kalahati ng katawan ni Mang Jesus. Ano nga ba ang tumubong bukol sa likod ni kay Mang Jesus? May pag-asa pa kaya itong matanggal? Panoorin ang video na ito ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Mahigit 40 taon na umanong pasan-pasan ng 76-anyos na si Mang Jesus, ng Talisay, Camarines Norte, ang malaking bukol niya sa likod na nagpapasahirap sa kaniya sa paglalakad at maging sa pagtulog.

Hinala niya, nakuha niya ang bukol dahil sa pagpapasan ng mainit na kopra noon, na posibleng pinalala ng albularyo na may ibinabakuna sa kaniyang likuran.

Dahil sa kaniyang kalagayan, problema rin para sa kaniya ang paghanap ng malaking damit na maisusuot para maitago ang bukol.

Sinamahan ng team ng “KMJS” si Mang Jesus para masuri ng espesyalista ang kaniyang bukol kung maaari pa kaya itong tanggalin. Alamin.