Lalaki, Nangangailangan ng Tulong dahil Halos Buong Katawan niya ay Puno ng Sugat!

Local News

Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pinagdadaanan. Ang ilan ay pinipilit kayanin ang bawat pagsubok na dumadating sa pang araw-araw.

Isa na lamang dito si “Turko” na may såkit na hindi maipaliwanag. Buong katawan niya ay napupuno ng sugåt. Kwento ng ng bahagi ng larawan ni Turko, humihingi siya ng tulong sa mga netizen na mag-comment sa kanyang post ng #raffytulfoinacti0n, nang sa gano’n ay matuguanan ang pangangailangan ni Turko.

Ayon pa sa ulat, si turko lamang ang bumubuhay sa kanyang sarili. Naglalako umano siya ng isda at tumutulong siya sa mga mangingisda. May nagbibigay din daw sa kanya ng mga isda ngunit imbis na lutuin ay binebenta daw niya ang mga ito upang makabili ng bigas.

Kung walang huli ay wala din siyang kakainin sa kanyang maghapon. Kwento pa ay noon ay may daliri pa Tarko, dahil sa kanyang hindi maipaliwanag na karamdaman ay naubos na ang mga ito. Ang bike na ginagamit niya ay sira na din.

Narito ang buong detalye, “Turko po palayaw niya..ngmamakaawa po akong humingi ng simpling pag comment ng #raffytulfoinacti0n sa baba para man lang maibsan ang pait ng sitwasyon niya… siya lang po bumuhay sa sarili niya.Naglalako po siya ng isda.tumutulong po siya sa mga mangingisda at yung binigay na isda sa kanya.Nilalako niya pambili bigas..pag walang huli eh ala din..Dati mahaba po daliri niya..ngayon po dahin sa sugat na ganyan unti unti nawala.yung bike niya sira na rin.. malaking tulong po ang simpling pag comment natin..Si Lord na bahala sa inyong lahat…dalawa po sila ganyan ang kalagayan..kapatid niya.. BRGY Villaramos Manukan Zambo.Norte”