Lalaki, Tinanggihan ng ina ang surpresa niya para sa mother’s day

Local News

Isang anak ang nabigo nanaman ngayong araw ng mga nanay. Matapos paghandaang surpresahin ang kaniyang ina ay kasabay namang pagtanggi nito na makasama siya nang araw ding iyon.

 

 

Kwento ni Ga Ni sa kaniyang facebook post pinaghandaan talaga niyang masurpresa ang kaniyang ina ngayong Mother’s Day pag kagaling nito sa trabaho ay agad siyang namili ng pagkain sa isang fastfood at sinamahan rin niya ito ng bulaklak upang sana’y makita niya ang kaniyang ina at makasama ngayong araw ng mga ina, ngunit nabigo itong makita ang kaniyang sariling ina matapos siyang tanggihan dahil raw ito ay nasa kaibigan at nag-sasaya umano ng mga oras ding iyon.

 

 

 

Hindi tuloy alam ni Ga Ni ang kaniyang mararamdaman dahil nag handa siyang makita ang kaniyang ina at surpresahin ngunit hindi naging maganda ang resulta dahil sa pagtanggi ng kaniyang ina na makita siya ngayong Mother’s Day.

 

Umani naman ng hating kumento ang mga netizen sa kaniyang post.

May ilang naawa sa kalagayan nito at mayroon namang pumanig sa kaniyang ina, dahil bakit kailangan pa nitong hintayin ang 365 days upang makasama ang kaniyang ina sa isang araw lang kung pwede namang surpresahin niya ito kahit hindi Mother’s Day.

Muli may pahabol si Ga Ni sa kaniyang   Facebook post na hindi masama ang kaniyang ina, Ninanais lamang niya na makasama ang kaniyang ina kahit na sa isang araw lamang sa importanteng okasyon dahil hindi nito naramdaman ang lumaki sa piling ng kaniyang sariling ina.