Lalaking Australyano at Anak Nito, Pinabayaan na ng Asawa Nang Maubos na Ang Pera Nito!

Local News

Ibinahagi ng Heaven Elements sa kanilang facebook page ang nakakaawang sitwasyon ng mag-amang ito. Ayon sa naturang post, pagala-gala lamang umano ang mag-ama sa Cebu sa bahagi ng Mactan. Wala daw sila makain. Humihingi sila ng tulong para maitawid ang pang araw-araw nilang gastusin na pangkain.

Ayon sa ulat ay sumama na umano ang Pinay na asawa ng autralyano at iniwan silang mag-ama matapos na maubos ang pera nito.

Mayroon ding [email protected] sa balat ang ama habang ang kanyang anak ay nangangĂ„yayat na dahil wala silang makain. Lubhang nakaramdam ng awa ang nag-bahagi ng naturang post kaya naisip niyang ibahagi ang larawan na nagpapakita ng kalagayan ng mag-ama.

“KUNG MAKITA NYO ITO, PA SHARE PO KAAGAD. SANA PO MAY MABUSILAK NA PUSO NA HANDANG TUMULONG DITO SA MAG-AMANG AUSTRALYANO, PAGALA GALA LANG PO SILA DITO SA CEBU SA MAY MACTAN AREA.”

“WALA NA PO SILANG MAKAIN, KAHIT KANINO LANG PO SILA HUMIHINGI PARA MAITAWID ANG PANG-ARAW ARAW NA PANGANGAILANGAN.”

“SUMAMA DAW SA IBA ANG PINAY NA ASAWA NYA PAGKATAPOS MAUBOS ANG PERA NIYA. ANG MASAKIT PA DITO, PASINTABI PO SA MGA KUMAKAIN, MAY SAKIT SA BALAT PO ANG TAYTAY. ANG ANAK NAMAN PO AY PARANG KULANG SA KAIN AT PAYAT NA PAYAT.”

“KUNG MAY KAYA LANG SANA PO AKO, AKO NALANG PO MAG AMPON SA BATA. SA PAMAMAGITAN NG PAGSHARE NYO SA POST NATO, MAKARATING ITO SA EMBASSY NG AUSTRALIA AT MATULUNGAN SANA SIYANG MAKAUWI. MARAMING SALAMAT PO.”