Lalaking nagbenta ng kidney para makabili ng bagong CP, Nakaratay na ngayon

Local News

Dahil sa technolohiya ay maraming mga gadgets ang nag silabasan sa buong mundo isa narito ang mga cellphone na naging una sa pangangailangan ng tao, ngunit ang labis na paghahangad ay nakakasobra sa tao maging sa kalusugan nino man.

 

 

Ito ang ginawa ng isang chinese national na si wang dahil sa pagkagusto nitong mabili ang kaniyang mga luho, naisipan niyang ibenta sa black market ang kaniyang sariling kidney.

 

Sa edad niyang 17 anyos ay ginawa na niya ang hindi dapat gawin ng pangkaraniwang kabataan, sa halagang $3,273 na aabot sa ?157,000.00 ay nagpa schedule na siya ng operasyon matapos may makausap itong surgeon sa blackmarket.

Pagkatapos ang operasyon at makuha ang halagang pera na napag-usapan ay bumili agad siya ng isang bagong ipad at isang bagong labas na iphone, ngunit may kasabihan nga ang mga matatanda na pagkatapos ng saya ay may kasunod na lungkot matapos makaramdam si wang ng pananakit at pamamaga sa kaniyang tagiliran na kung saan tinanggal ang kaniyang kidney.

 

Agad namang nag pa tingin sa mga doctor si wang at napag-alaman niya na may impeksyon ang kaniyang sugat at nagkaruon ito ng renal deficiency (pagkahina ng bato sa loob ng katawan ng tao) at malapit na itong mauwi sa kidney failure ng malaman ito ni wang ay dito na niya napagtanto na huli na para magsisi dahil sa kaniyang ginawa. lumipas ang ilang araw ay tuluyan ng naratay sa ospital si wang at kailangan niyang mag dialysis sa kidney habang buhay upang ma supportahan ang kaniya nalamang nag-iisang kidney.

 

Nalaman din niya na hindi lisensiyadong doctor ang surgeon na nag opera sa kaniya dahil may mga naiwan pa itong mga sugat sa loob ng kaniyang katawan patuloy naman ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad na kung sino-sino ang mga taong nasalikod ng mga ganitong kalakaran sa black market.