Lalaking Nagpuslit ng Gatas at Diaper sa isang Grocery, Inulan ng Tulong at Awa!

Local News

Tulad na lamang sa nakakalungkot na pangyayaring naganap sa isang lalaki na nahuli diumano sa isang grocery store sa Bonifacio Global, Taguig City dahil sa pagnanakaw ng grocery items na naglalaman ng isang malaking pack ng diaper, 4 na pack ng gatas, isang pack ng hotdog, 10 pakete ng 3-in-1 coffee, at isang air freshener na may total diumano na Php 3,500.

Ayon sa ulat ng mga pulis, bigla raw lumabas ang suspek sa grocery store, bitbit ang mga pinamili, nang hindi dumadaan sa cashier. Dito ay nakita siya ng guwardiya ng establisimyento at hiningian ng resibo, ngunit walang naipakita ang lalaki, kaya agad siyang hinuli at ikinulong sa Taguig Police Station na ngayon ay nahaharap sa reklamong theft.

Ngunit sa halip na ikagalit ng mga netizens ang maling ginawa ng lalaki, ay kabaligtaran ang nangyari. Dahil imbes na kutyain siya sa ginawa ay naging daan pa ito upang siya ay kaawaan at matulungan.

Narito ang mga comments ng mga netizens na sadya nga namang nakakaantig ng puso, dahil sa patunay na ang mga Pilipino noon at ngayon, ay sadyang maawain at matulungin sa kapwa.

Nagawa niya yun walang wala na talaga dahil sa lahat ng kahirapan nan dyan nah, hirap maghanap ng trabaho , kawawa talaga hindi dapat makulong , ang dapat makulong yung milyon2x magnanakaw sa ating goberno, mga atoridad dyan lang tayo magaling madaling ipakulong / patayin yung mga taong walang kalaban laban , mahirap sa buhay. Kawawa naman yung tao.

Eufemia Hernandez
Nakaka awa nmn talaga ang mga taong naghihirap sa ngayon. Gawa ng walang mapagkukunan. Stop ang mga trabaho. Mbuti yung mga nasa gobyerno, million million ang ninanakaw pero d nakakasuhan at nakukulong. Imbestigahan at kung talagang tunay na wala although mali, unawain na lang natin at sabihing hwag ng ulitin at d mabuting gawain ang magnakaw. Just saying lang po. Sa ngayon pang unawa sa bwat isa ang kailangan. Hindi ang kulungan ang solusyon

Mersam Mer
Masama ang mag nakaw kahit pa anu ang rason mo masama para,,pero alam nya nmn siguro k
Masama yun pero wala na syang option kaya sumugul nlng sya,,,, yung may ari nlng ng grocery store ang tatanungin kung mapapatawad nya,,, kung patatawarin nya why not”!Good job parin sa. Mga tumolong,,