Lalaking OFW. Pinag palit sa Kabit ang kanyang misis!

Local News

Nag viral sa social media ang reklamo ng misis na si Alyzza Joyce Sotto matapos niyang ireklamo ang pambababae ng asawang si Renzy Sotto. Sina si Alyzza at Renzy ay merong anak na apat na taong gulang.

Ayon kay Alyzza, nagta-trabaho sa isang restaurant sa Spain ang kanyang asawa. Kaya naman laking gulat ni idol Raffy nang malaman na P5,000 lamang ang ipinapadala ng lalaki kada buwan sa kanyang misis.

Ngunit paliwanag ni Alyzza, na-operahan daw si Renzy kaya wala itong kinikita sa ngayon. Ang hindi lamang matanggap at ikinakagalit niya ay ang ginagawang panloloko ng kanyang mister.

Ang mas masakit pa dito ay mismong mga magulang ng kanyang asawa ang kumukunsinte sa ginagawang pagtataksil ni mister. Tila kinagigiliwan pa nila ang kabit dahil naaalagaan umano nito si Renzy.

Depensa naman ni Renzy, hindi raw si Allyza ang tinutukoy ng kanyang kabit dahil wala naman raw itong binanggit na pangalan noong nagpost ito sa social media.

Kuwinento rin ni Alyzza kung paano nagsinungaling ang kanyang mister, “Ang sabi niya wala silang relayson pero kinabukasan flight na pala nila pabalik ng Madrid at buntis na yung kabit niya nun.”

Sa bandang huli ng video, hindi na napigilan ni Alyzza ang umiyak at maglabas ng kanyang sama ng loob sa asawa.

“Dapat hindi mo binuntis yung kabit mo, dapat hindi ka nambabae. Wala naman akong ginawang masama sayo,” saad ni Alyzza.