Larawan ng isang babae habang may buhat na baby, nakakakilabot

Local News

Nakakakilabot ang larawan ng isang babae kasama ang isang baby na talaga namang nagbigay palaisipan sa mga netizens kung papaano ito nangyari.

Photo credit: Arlaine S Villosabri
Gusto lang namang magpapicture ni Arlaine S Villosabri sa bagong silang niyang pamangkin ngunit nagulat sila matapos makita ang mga larawan.
Sa kanyang Facebook account, ipinost ni Arlaine ang ilang larawan na sa unang tingin ay normal naman ito at walang kakaiba.
Ngunit magugulat at tila kikilalabutan ka kapag napansin mo ang anino sa likod ng babae.
Ayon kay Arlaine, unang beses pa lamang siyang nakapunta sa bahay ng kanyang kapatid na si Lean kaya naman hindi niya inaasahan ang nakakapanindig balahibong pangyayari.
Kwento niya, pagkatapos dumede ng baby ay nakiusap siya sa kanyang kapatid na kuhanan siya ng picture habang buhat buhat ang sanggol.
Siya pa raw mismo ang nag-open ng camera sa cellphone at wala rin kahit anong application o filter na ginamit.
Wala naman daw napansing kakaiba si Lean noong kinuhaan niya ng pictures ang mag-tita. Ngunit nang tignan ni Arlaine ang mga larawan ay napansin niya ang kakaibang anino sa kanyang likuran.
Photo credit: Arlaine S Villosabri

Imbes na magkapareho ang pose ng anino sa kanyang pose na nakabaluktot ang mga kamay dahil sa pagkakabuhat sa baby, ang anino ay tila kuba o nakayuko at nakababa ang mga kamay.

Talagang nakakakilabot dahil magkaibang magkaiba ang pose ni Arlaine sa kanyang anino.
Agad na umalis at umuwi si Arlaine at pinayuhan din siya ng mga tao sa bahay na yon na huwag na munang bumalik.
Pinayuhan din siya ng mga netizens na magdasal sa Panginoon dahil marami talagang mga bagay sa mundong ito na hindi maipaliwanag.
Anila, magtiwala lamang sa Diyos at siya na ang bahala sa lahat.
Narito ang buong post ni Arlaine:
“Isa sa pinakanghindi ko inaasahang sa aking sarili firstym ko po pumunta sa bahay ng byanan ng aking sister..sabi ko sa aking sister picturan kami ni baby kc katatapos lang dumide para padighalin at ako po nagbukas ng cp ko at ilagay sa camera..maniwala kayo at sa hindi wla po i2ng edit at hindi ako marunong non..pagkatapos nya kaming picturan ni baby tiningnan ni sister ung picture namin cguro hindi nya napansin ung anino ko…sa 22o lang po karga ko ung pamangken ko at ung 2 kung braso nman  nakataas po..pero tingnan nyo po ang aking braso nakababaa at ung anino ko masyadong baluktot at tuwid din ang aking anino..ng maipakita ko sa aking sister nangilabot sya at pinakita ko sa byanan ni lean at asawa nya nangilabot din cla..at pinakita ko kila ate lailah at kuya tony at kainuman nila hindi cla makapaniwala sa kanilang nakita..at wag na dw akong babalik sa bahay ng byanan ni lean..dios ko wag nman sana mangyari na meron mangyari sakin masama..lord u guide me plz”
Photo credit: Arlaine S Villosabri
Photo credit: Arlaine S Villosabri

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

***