Larawan ng Musmos na Bata na Tila Ginigising ang Kanyang Ama na Wala ng Buhay, Umantig sa mga Netizens!

Local News

Sa buhay ng tao ay wala nang mas hihigit pa sa sakit na pakiramdam ang mawalan ng buhay ang taong mahalaga sa atin ngunit ,walang sinuman sa atin ang makapag sasabi kung kailan babawiinng diyos na lumikha sa atin ang ating buhay. Isang larawan naman ang nag-viral at kinaantigan ng marami. Ang mga larawan na ito ay ibinahagi ng netizen na si Julie Ann Balonzo.

Makikita sa larawan ang isang musmos at walang kamuwang- muwang na bata na tila ginigising ang kanyang ama na wala ng buhay. Ang pag-aakala ng bata ay natutulog lamang ang kanyang ama. Ang naturang larawan ay mabilis na kumalat sa social media.

Marami sa mga netizens ang nalungkot at nahabag sa larawan ng bata. Mismo ang mga netizen ay nakakaramdam ng awa para sa bata dahil sa murang edad nito ay wala na siyang ama.

Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:

“grabe talaga iyak ko, kapag nakakakita nito. Sobrang s4k1t, maiwan mga minamahal sa buhay. Cond0lence sayo baby and sa family mo”

“condolence po nakakadur0g ng pus0 napakaliit pa ni baby walang kamuang muang na wala na ang papa nya”

“Nakakadur0g tingnan yung ng wlang alam n kailan mn d na magigising pa ang kanyang ama.. patatag baby God will guide you always.. Godbles.. Cond0lence to the family..”

Sa ngayon, umabot na sa mahigit na 24,000 reactions at 18,000 shares ang naturang post.