Lola na naglalako ng kakain, labis na nanlumo nang mabayaran ng pekeng pera

Local News

Marami ang nadurog ang puso sa post na ibinahagi ng netizen na si Mylyn Tupas tungkol sa tindera ng kakain na nagawang lokohin ng isa sa mga bumili sa kanya.

Napagalaman na pekeng Php500 ang ibinayad kay “Nanay Liza”, ang lola na naglalako ng kakanin sa cainta, Rizal.

Ayon sa post ni Mylyn, Php80 lamang ang halaga ng binili ng babae na umano’y nagbayad ng pekeng pera.

Dahil dito, nagkaroon pa ito ng Php420 matapos na manlamang sa kaawa-awang lola na tindera.

Labis na nalungkot si Nanay Liza dahil puhunan na sana niya ang nawalang halaga sa kanya.

“Hindi ka na naawa sa matanda! Binayaran mo ng pekeng Php500. Halos nanlumo yung matanda dahil nakuha mo ang puhunan niya. Nakakuha ka na ng halagang 80 pesos na kakanin, nasuklian ka pa ng 420 pesos sa peke mong pera!”

Upang matulungan ang lola, ibinahagi rin ni Mylyn sa kanyang post ang contact number ng tindera pati na rin ang address para sa mga gustong tumulong sa mga ito.

Hindi naman nabigo si Mylyn dahil matapos na mag-viral ang kanyang post, dumagsa ang tulong kay Nanay Liza.

Kaya naman madaling napalitan ang nawalang halaga sa kanya at labis labis pa.

Kahanga-hanga ang mga tulad ni Nanay Liza na sa kabila ng kanilang edad ay nagsusumikap pa ring matustusan ang mga pangangailangan nila sa araw-araw lalo na ngayong dumaranas pa rin tayo ng pandemya.