Lolang nag titinda sa bangketa. Itinapon ng tanod ang paninda sa kalye!

Local News

Marami sa ating mga kababayan ang nakararanas ng kahirapan dahil sa pandemyang dulot ng Corona virus. Nagdeklara ng lockdown ang pamahalaan upang mapigilan ang pagdami ng mga apektado nito.

Naging mahirap ang pamumuhay para sa marami nating mga kababayan, at hindi sapat kung aasa na lamang sa ayuda mula sa pamahalaan.

 

Kaya naman kanya-kanyang paraan ang ginagawa ng marami sa ating mga kababayan. Nariyang pinasok ang online selling ng kanilang mga produkto, ang iba naman ay delivery service, at iba pa, mairaos lang ang pang araw-araw na pangangailangan.

Isa na rito ang sitwasyon ng isang lola mula sa Malingas, Dagupan, na kahit sa labis nang katandaan ay nakukuha pa rin maghanap buhay sa pamamagitan ng pagtitinda ng hipon sa palengke upang may maipangtustos sa kanyang pamilya.

Ngunit sa kasamaang palad, natyempuhan si lola ng mga walang pakundangang barangay tanod sa kanilang lugar at imbes na pagsabihan na lang muna ay tinapon na lang sa kalsada ang kanyang mga tinitindang hipon.

Ayon sa mga concerned citizen na nakakita sa pangyayari, nagtitinda ng hipon si lola sa gilid ng sidewalk dala ang kanyang mga balde at tray na lagayan ng mga hipon.

Bagaman sinabihan na ang matanda na wala syang maayos na stall, kaya hindi sya pwedeng magtinda hipon sa nasabing lugar.

Nagmamakaawang nakiusap ang matanda na kung maaari ay payagan syang magtinda dahil ito lamang ang kaya nyang gawin at tanging magpagkakakitaan dahil na rin sa kanyang katandaan.

Ngunit tila nagtengang kawali ang mga barangay tanod sa nasabing lugar, at hindi nila pinagbigyan ang kahilingan ng pobreng matanda o di kaya ay bigyan na lamang na matinong lugar kung saan maaari itong makapagtinda kahit sa isang maliit na sulok lamang.

Nagalit ang mga ito, at pwersahang pinaalis si lola at ang masama pa ay nagawa pang itapon ang kanyang mga panindang hipon sa gilid ng kalsada. Wala nang nagawa ang pobreng matanda kundi ang umiyak na lang habang dinadampot ang kaniyang mga natapong paninda.