Lolo, Humihingi ng Tulong na Makauwi sa Kanyang Kapatid Dahil Hindi Na Niya Umano Kayang Tiisin ang Karamdaman!

Local News

Ibinahagi ng concerned netizen na si MencHu Buenaventura ang larawan ng isang lolo. Ayon sa kanyang facebook post, “pasuyo po..bka matulungan nyu c tatay..gusto dw po nya umuwi sa paombong bulacan.. nasa alfamart catmon po xa.. salamat po..” Humihingi ng tulong si MencHu para kay Lolo na nais makauwi sa kanyang mga kapatid.

Ang panawagang ito ay isinulat ng matandang lalaki na nakaupo sa kanyang wheel chair habang hawak-hawak ang karton na may nakasulat na:

“Gusto ko ng makauwi sa Paombong. Doon kahit paano hindi ako matitiis ng mga kapatid ko. Hindi ko na kaya ang [email protected] at [email protected] na aking nararamdaman sa aking katawan. Kung sino man ang makakabasa nitong good samaritan. Pakihatid lang po ako sa Paombong. God Bless you. Good carma for you is coming. Perfecto R. Fajardo”


May ilan naman na nagkomento sa naturang post at nais ihatid si Lolo sa Paombong, may ilan din sa mga netizens ang nais mag-abot ng tulong at may pang-gas sa kung sinuman na maghahatid kat Lolo. Narito ang ilang komento:

“may help nb? send ako pang gas para mkatulong please”

“hatid po naten sagot ko gas”

“hatid q to.. jan lng b sya”

“Sana mag kusa na ang barangay para makauwe at maingatan na yang c tatay”

Nawa ay may magbigay ng tulong kay Lolo dahil ayon sa kanyang panwagan ay tila hindi na nito kinakaya pa ang [email protected] na kanyang nararamdaman. at kung sino man ang tutulong kay Lolo ay pagpalain ka sana ng Panginoon.