Lolo, Mag-isang Nagdiwang ng Kanyang Ika-69 Kaarawan sa Isang Restaurant!

Local News

May ilan sa atin ang mag-isa sa buhay dahil ang ilang kapamilya ay nasa ibang lugar. Gaya na lamang ni Tatay na mag-isang nagdiwang ng kanyang kaarawan.

Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya gaya ng cellphone, mas napapagaang ang pakikipag-komunikasyon sa mga taong malalapit sa atin. Hindi tulad ng dati na kailangan pang magpadala ng sulat para kamustahin ang kalagayan ng ating pamilya.

Bagamat nakakausap natin sila sa pamamagitan ng cellphone, mas masarap pa din sa pakiramdam na kasama natin sila.

Nag-viral naman ang larawan ni Tatay na nagdiwang ng kanyang ika-69 kaarawan. Makikita sa larawan na may kinakausap siya sa kanyang cellphone.

Ayon sa netizen na nagbahagi ng litrato na ito, ikinalungkot niya ang nakita niyang eksena sa restaurant na kinakainan niya noong araw na ‘yon.

“Sobra akong nalungkot nang makita namin si Tatay sa isang fast food chain, Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sapagkat ngayon lamang ako naka-saksi ng ganitong uri ng pangyayari sa buong buhay ko,” sabi pa ni Trixie Ann Eras Manuel sa kanyang facebook post.

“Akala ko sa mga drama lang nangyayare ito pero hindi! Sine-celebrate ni Tatay ang kanyang ika-69 taon ng mag-isa at walang kasama. Habang ipinapakita ni Tatay ang kanyang handa sa kanyang asawa’t mga anak sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono hindi ko alam kung anong lungkot ang bumabalot sa aking puso,” dagdag pa niya.

Pinag-dasal naman ni Trixie si Tatay para sa kanyang kaarawan, “Para sa iyo Tatay nawa’y bigyan ka pa ng panginoon ng lakas para sa mga pagsubok na haharapin mo pa sa buhay. Mag-iingat ka po lagi Tay. MALIGAYANG KAARAWAN PO SA IYO TATAY AT PAGPALAIN KA”