Lolo na nakatulog habang nagtitinda ng saging, Pinuri dahil sa kasipagan sa kabila ng edad nito

Local News

Umagaw ng atensyon sa mga netizens ang kasipagan ng isang matandang lalaki na nakatulog na sa pagtitinda niya ng kanyang kalakal na mga saging.

Makikita mo sa larawan kung gaano kahirap kumita ng pera na pang gastos sa araw-araw lalo na kung manggagaleng ang pera sa mga pananim gaya ng nasa larawan

Ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang Jeff Garcia ang larawan ng isang matandang lalaki na nakatulog sa tabi ng kalsada. Makikita rin sa kanyang tabi ang mga nakalapag na mga bungkos ng saging na mahihinuhang mga paninda niya.

“Nakakahiya naman dun sa iba na puro reklamo na lang. ginawa pang rason ag kahirapan para gumawa ng mga iligal na gawain. Samantalang si tatay kahit mahina na ang katawan, nagsusumikap pa rin para mabuhay, huwaglang mamalimos. God bless you tatay.”