Lolo na napagkamalang pulubi at namamalimos sa tabi ng pawnshop magpaapdala rin pala sa kamag-anak

Local News

Madalas tayo makakita ng ganitong eksena sa tabing daan kung saan tayo kadalasan nagpapadala ng pera sa ating mga mahal sa buhay.

Tulad na lamang ng isang matandang lalaki na inakalang isang pulubi at mamamalimos lamang sa isang pawnshop. Ngunit sa katunayan, nagpadala pala siya ng pera sa kanyang mga anak.

Makikita ang lalaki malapit sa isang pawnshop – suot ang maruming damit at talagang sasabihin ng ibang tao na isa siyang pulubi.

Marahil ay nahalata niya na tila hinuhusgahan siya ng ibang tao kaya siya ay tumayo at nanatili sa isang sulok ng nasabing sanglaan.

Lingid sa kaalaman ng iba pang mga taong naroon, ang naturang matanda ay isa palang ama na nagpadala ng pera para sa kanyang pamilya.

Kumakayod umano ito upang kahit papaano ay matugunan at masuportahan ang pangangailangan ng kanyang mga mahal sa buhay.

Nakaramdam daw ng hiya ang mga taong nanghusga sa kanya nang malaman ang tunay niyang kuwento.