Lolo na Nawawala at Palakad-lakad sa Lansangan, Nangangailangan ng Tulong Upang Mahanap ang Kanyang Pamilya!

Local News

Isang panawagan mula sa facebook page ng Heaven Elements ang ibinahagi nito noong Mayo 26. Ayon sa post ay may isang matandang lalaki ang palakad-lakad at tila nawawala. Siya ay nakikilalang si Lolo Flore Villare. Natagpuan siyang palakad-lakad sa Casa Millan, Lagro. Baka sa kaling hinahanap na din siya ng kanyang pamilya.

Sana ay matulungang makauwi si Lolo Flore sa kanyang pamilya. Makikita sa larawan na may edad na ito at mapapansiin na wala siyang sapin sa paa dahil nakatapak lamang ito. Nagkalat din ang kanyang kinakain dahil marahil ay wala sa kanyang nag-aasikaso.
Nawa ay matagpuan na siya ng kanyang pamilya upang mabigyan ng maayos na pag-aalaga. Narito ang naturang post ng Heaven Elements facebook page:
“Pa share naman po FB Friends Baka may nakakakilala sa kanya, Nawawala po si Lolo, Pangalan po nya Lolo Flore Villare, palakadlakad po sya sa Casa Millan, Lagro, please Help nyo naman si Lolo, baka hinahanap din sya ng Family nya Pa Share naman po, salamat po”