LOOK: Babae sa Jeep Viral Dahil Sa Suot at Dala Niya

Local News

Ibinahagi ng isang netizen ang larawan ng isang babae na nakasabay niya sa isang pampasaherong jeep sa Davao del Sur kamakailan. May hawak itong bungkos ng pera at nakasuot din ng mga alahas. Nang makita ang larawan ay wala nang ibang nasabi ang netizens kundi ‘Sana all’ nalang kay ate.

Ano ang gagawin mo kapag may nakasabay ka sa jeep na may hawak na sandamukal na pera at suot na makikinang na mga alahas?

Walang ibang nasabi ang netizens kundi “Sana all” nang makita ang larawan ng isang babae na may hawak na bungkos ng pera habang nakasakay sa isang pampasaherong jeep.

Ibinahagi ng Go Davao sa isang Facebook group ang larawan na kuha ni May Castro mula sa Santa Cruz, Davao del Sur.

“Naol yayamanin. Hindi raw napigilan ni May Castro ng Santa Cruz, Davao del Sur na kuhanan ng litrato ang babaeng nakasabay niya sa jeep na may dala-dalang plastik na puno ng pera. Karamihan dito, tig-iisang libo!” sabi nila sa post.

Bukod sa pera na hawak ng babae ay marami rin itong suot na alahas, mula sa singsing, pulseras, at kwintas na tila mga gawa sa ginto. “Kuha rin sa larawan ang malalaki at makikinang na alahas nito na tila hindi natatakot na manakawan. Iba rin!” sabi pa ng GO Davao sa kanilang post.

Sa kasalukuyan ay may 9.8k reactions at 20k shares na ang larawan na ibinahagi ni May.

Ang ilang netizens, nag-alala para sa kaligtasan ng ale lalo na at nasa pampublikong sasakyan siya at mainit ang kaniyang pera at alahas sa mata ng masasamang loob. “Lakas ng loob at masyadong tiwala si ate. Ingat at alerto siguro kaya ganiyan,” komento ni Francia M.

“Bibili siguro ng sili o ‘di kaya baboy itong si Nanay,” biro naman ni Carlos G.

Ang tanong ng netizens kay ate, “how to be you po?”