LOOK: Halos magunaw ang mundo ng ginang na ito matapos bawian ng buhay ang anak niya habang natutulog

Local News

Para sa isang ina, wala ng mas sasakit pa sa pagkawala ng iyong anak. Kaya naman lagi nating sinisigurado na ligtas sila sa kahit ano mang kapahamakan sa loob at labas ng ating bahay.

Sa kasamaang palad, kahit pa gaano ka kaalaga sa iyong anak, may mga di inaasahang pangyayari na hindi natin mako-kontrol. Sa isang iglap, bigla na lamang pumanaw ang batang anak ng isang nanay na ito.

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Angelica de Leon Panganiban ang kanyang karanasan na talaga namang nakakapagbagbag damdamin. Nawalan ng anak si Angelica matapos biglang pumanaw ang kanyang 1-year-old na anak na si Baby Alonzo. Ibinahagi niya sa social media ang pangyayari na talaga namang kinatatakutan ng kahit sinong ina.

Ayon kay Angelica, ilang oras bago pumanaw ay masigla pang naglalaro ang kanyang baby. Matapos itong mag-breastfeed, pinatulog na niya si Baby Alonzo. Ngunit ilang oras pa ang makalipas, nagulat siya ng makita na lamang na nag-iba na ang kulay ng anak niya! Nang hawakan niya ito ay hindi na rin gumagalaw si Baby Alonzo.

Agad isinugod sa ospital si Baby Alonzo, dahil nagsisimula na ring maging blue ang kanyang balat. Sinubukan siyang i-revive ng mga doktor, ngunit hindi na rin naka-recover si Baby Alonzo. Bandang alas dos ng hapon nang idineklara na wala ng buhay ang bata. Labis naman ang hinagpis ni Angelica sa pagkawala ng kanyang anak.

“I just kept on crying and continued shouting his name and thinking that he still might wake up. I was there the whole morning and the moment I went out the room just to cook, the next thing I know is he was gone when I came back. Everything happened so fast without a warning,” ayon kay Angelica.

Ayon sa mga doktor, aspiration ang ikinasawi ni Baby Alonzo. Nangyayari daw ito kapag nakalunok ng liquid ang bata at pumasok ito sa kanyang baga. Upang maiwasan ito, inirekomenda ng mga eksperto na wag padapain ang newborn o toddler sa pagtulog upang maiwasan ito.