LOOK: Imahen ng mga santo, milagrong hindi natupok ng mga apoy sa pagkasunog ng bahay

Local News

May divine intervention na nangyari sa kanilang tahanan na nasunog dahil tila nakaligtas sa pinsala ang mga imahen ng santo para sa pamilya Degan sa Passi City, Iloilo.

Ito’y sa kabila ng pagkasunog ng kanilang tahanan nitong Lunes na kung saan, hindi man lang nasunog ang mga imahen ng Santo.

Makikita sa mga litrato na halos maabo na ang buong bahay pero buong-buo pa rin at tila hindi naabutan ng apoy ang mga imahen.

Matandaan na naganap ang sunog kahapon na ayon sa mga otoridad at isyu sa electrical connection ang sanhi ng sunog.

Tingnan ang mga larawan mula kay Pao Paginado Dehan: Sa iyong mga nasaksihan ano ang iyong masasabi mo sa mga pangyayaring ito?