LOOK: Saging, Alay ng Isang Estudyanteng Naka Paa Lang Naghandog ng Pasasalamat sa Kanyang Titser

Local News

Hindi Madali ang gawain ng isang guro para sa kani-kanilang estudyante. Nagiging pangalawang pamilya ng kanilang mga estudyante ang kanilang mga guro dahil kalahati ng araw ng mga ito nasa eskwelahan sila. Araw araw silang nagsusumikap na makapaghatid ng bagong kaalaman para sa kanilang mga estudyante.

Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na may mga estudyante din talagang hindi binibigyang halaga ang mga paghihirap ng kanilang mga guro para sa kanila. Kapalit ng hirap ng mga guro ay masasamang asal at hindi pa minsan nirerespeto ng mga estudyante ang mga guro. Ngunit sa kabila ng mga estudyante walang respesto sa guro.

Ibang iba ang isang estudyante na ito na nagngangalang Manuel. Ayon sa isang post ng isang guro ng si Mr. Ryan James Dueñas, katatapos lamang nila sa kanilang pangkalahatang gawain na “30 minutes reading intervention activity” nang dumating sa silid aralan si Manuel. Dahil huli na sa klase si Manuel ay agad syang nakatanggap ng kutya galing sa kanyang mga kaklase. Nahihiyang tumayo na lamang ang bata sa gilid ng kanilang silid aralan.

Dahil sa pagkahiya ni Manuel agad na lumapit si Mr. Dueñas ng makita niyang may tila kinukuha ang kanyang estudyante sa loob ng kanyang bag. Dahil nahahati ang atensyon ni Manuel sa kanyang bag. Tinanong agad ng guro kung ano ba ng ginagawa ng kanyang estudyante. Agad na tumayo si Manuel at sinaad na may dala siyang saging para sa kanyang guro.

Labis na tuwa at naantig ang puso ni Teaceher Dueñas dahil bukal na layunin ng kanyang estudyante na pagbibigay sa kanyang ng pasasalamat ng kanyang estudyanteng si Manuel. Kahit hindi man ito mamahalin o marangya sa buhay ay nagawa parin niya itong pasalamatan sa maliit na paraan. Nakikita nyang mahal na mahal sya ng kanyang estudyante at nakikita nito ang kanyang sakripisyo para sa klase.

Isang patunay na lamang na maliit man o malaki ang iyong iaalay bilang isang pasasalamat ay isa parin itong biyaya. Wala sa rangya ng regalo kundi sa layunin nito at kung ano ang bukal sa puso ng nagbibigay. Sana maraming pang estudyante ang katulad ni Manuel ng nagbibigay pugay sa ating mga guro.

Si Manuel ay isang patunay lamang na kadalasan, kung sino pa ang mahirap ay siya pa ang mas nagnanais na makapagbahagi ng kahit maliit na bagay lamang sa mga taong malapit sa kanyang puso.
Naway pagpalain si Manuel sa kanyang kinabukasan lalo na at napakabuti ng kanyang puso.