LOOK: Tone-toneladang Tuna ang Nalambat sa Antique

Local News

Tone-toneladang skipjack tuna ang nalambat sa Tumantang sa Tibiao, Antique nitong Linggo ng umaga.

Ani sa ABS-CBN News ni Julius, na kumuha ng naturang litrato, bumili siya at mga kasamahan ng 2 toneladang isda sa halagang P140 per kilo, saka ito dinala sa Nabas, Aklan.

 

Dagdag pa n’ya, posibleng mas marami pa umano ang nahuling isda kung hindi nabutas ang net ng fishing boat.