Mag-asawa, kape na lamang ang ipinapainom sa anak na 6 buwan pa lamang dahil sa sobrang kahirapan

Local News

Sabi nila, hindi mo kasalanang ipanganak ng mahirap. Magiging kasalanan lamang ito kung hahayaan mong habang buhay kang malugmok sa kahirapan.

Bilang isang magulang, responsibilidad mong ibigay ang mga pangangailangan ng iyong mga anak.

Sa pag papamilya, unang una mong dapat isipin ay kung paano ang magiging buhay ng bawat miyembro nito. Kaya naman hindi ito biro.

Hindi lang basta pag mamahal at pag aaruga. Dapat ay may sapat kang ipon at pera na bubuhay sa inyo sa bawat araw ng pag gising niyo.

May maihahain sa hapag kainan, may damit na maisusuot, may bahay na masisilungan.

Kung ang isang normal na namumuhay na pamilya ay nahihirapan ano pa kaya ang mga pamilyang maski gatas na sana ay pagkukunan ng mga sustansya ay hindi mabili para sa kanilang anak.

Ganoon na lamang kahirap ang dinaranas ng pamilya Safiruddin at Anita. Wala nang ibang paraan para mapakain ang kanilang 6 na buwang sanggol kaya naman imbis na gatas ay kape na lamang ang ipinapainom dito.

Ang ikinabubuhay ng mag asawa ay ang pag tatrabaho lamang sa isang coconut plantation at sinasahuran lamang sila ng 20,000 Indonesian Ruppees na katumbas ay P50 lamang.

Sa araw araw nap ag sahod nila ay hindi pa sapat para sa kanila upang makakain ng 3 beses isang araw paano pa kaya ang ilan pang gastusin at kanilang anak

Tanging mumurahing butil ng kape ang kanilang pinapakuluan at pag lalagay ng kaunting asukal dito ang ipinapainom sa kanilang anak.

Masakit sa kanila bilang magulang na imbis na sila na lamang ang nahihirapan ay nadadamay pa ang kanilang anak. Hiling ng mag asawa n asana ay umabot ito sa nasa itaas ng sa gayon ay mabigyan sila kahit kaunting tulong. Sa kabilang banda, patuloy pa din ang pag-analisa ng Local Social Welfare Officers sa mga magiging epekto ng kape sa katawan ng bata upang malaman ang dapat ibigay para sa nagkulang na nutrisyon nito sa katawan.