mag isa niyang itinaguyod ang knyang dalawang anak, nawa matulungan si nanay.

Local News

Magandang araw po sa inyong lahat na aking mga friends,kakilala,kamag-anak,kpamilya at kababayan.In behalf po sa pamilya ng kasama ko po sa picture,ako po ay taos-pusong lumalapit at kumakatok sa bawat ginintuang nyong puso na mabigyan-pansin at respeto ang post kong ito.Kung anu mn po ang aking layunin sa pagpost nito ay hndi po pra sa aking sariling interest kundi pra po tlaga sa matandang nakikita nyo po sa larawan.Siya po ay si Auntie Consolacion aka”Consoling”Salmorin Seguiente dating Magsasaka ang ikinabubuhay at isang biyuda.She is turning 77 yrs.old sa darating na buwan ng Setyembre.Hindi sya nalalayo na kamag-anak sa amin.May kalayuan po ang bahay sa amin ngunit sadyang dinadalaw ko po sya minsan pag my bakante po akong oras.Hndi ko lng po maiwasan ang maawa sa knya dahil naalala ko po nung araw na kalakasan pa niya ay siya halos ang aming takbuhan sa tuwing kmi ay gipitin sa konsumo maging sa pinansyal na bagay.

Gaya po ng iba c Auntie Consoling po ay my pribadong karanasan din na nangyari sa knyang buhay bilang isang babae at ina.Nung kabataan pa po ni Auntie Consoling at namasukan bilang kasambahay ay nabiktima po sya ng Pag-ibig at nabuntis ni Ginoong ROGER ESPINA tubong Jaro,Iloilo City…at ito po ay nagbunga ng isang supling na lalaki at pinangalan sa kay JESSIE SEGUIENTE ESPINA aka”TOTO”pinalaki po nya ito as a single Mom dahil di po sya pwde pakasalan or ibahay ng lalaki for private reason.Hanggang sa muling dumating ang panahon na nkatagpo uli sya ng knyang mkasama at mkaagapay sa buhay hanggang sa pagtanda nagkaanak din sila ng isang malusog na supling na babae at namuhay ng normal na pamilya ngunit sa di inaasahan at maaga rin binawi ng Panginoong Diyos ang knyang naging katuwang sa buhay.

.kaya mag isa niyang itinaguyod ang knyang dalawang anak.Sa ngayon po ganyan na ang sitwasyon ni Auntie Consoling yung dating malakas,mataba,at matangkad na babae ay naging mahina,at habang tumatagal ay lalo na po siyang nangangayayat.Sa tuwing dadalawin ko po at tatanungin kung kilala pa po nya ako ang laging sagot at tawag po sa akin ay “NENE”…..c nene po ay nag iisa kong kapatid na babae na mtagal na pong namatay at inaanak po nya yun.Kung sino po yung mga kamag-anak naming namatay na o wala na yun po yung knyang mga tinatanong at hinahanap.Ang tanging layunin ko po kung bkit pinost ko po ito ay mapagbigyan sana ang kahilingan ni Auntie Consoling na kahit sa huling pagkakataon bago pa siya mawala ay muling makita,masilayan at mahawakan ang mga kamay ng knyang panganay na halos 12 yrs na po silang walang komunikasyon o nagkita upang makamit din ang peace of mind kung mgkapatawaran ang bawat isa kung anu mn po kalalim ang tampuhan sa gitna nilang mag-iina.

Sa aking nakikita,nahirapan at naawa po ako sa sitwasyon ni Auntie Consoling dhil sa di maganda nya ng sitwasyon.Hindi rin po kaya tustusan ng knyang bunsong anak ang knyang mga pangangailangan dahil pmilyado nrin po ito at my apat na anak na inoobliga,wala rin pong sapat na kita ang asawa dahil wala po itong permanenteng trabaho ngunit dhil po sa kahirapan ng buhay halos lahat na po ng trabaho ay pinapasok at kinakaya khit pa malayo minsan sa pmilya gaya ng pagiging kargador,construction worker at pagsasaka,kahit anu ay wala ng ururungan pra lmng magampanan ang pagiging asawa,tatay at mabuting manugang.Kaya po sa pamamagitan ng post kong ito kung sino mn po sa inyo ang mdyo sagana pgdating sa pinansyal na aspeto o sa anumang uri o bagay na mkakatulong lalong-lalo na sa pagkakaisa magdasal pra po kay Auntie Consoling ay sobrang laking bagay na po yan na mkapagdagdag lakas at kasiyahan sa kanya.Tanging Panginoong Diyos na lmng po ang bahalang bumalik ng dobleng blessing pra sa inyo!!!GOD IS LOVEMaraming Salamat PoKeep Safe and God Bless Us All

Para po sa karagdagang detalye at impormasyon just comment po or directly message me on messenger or sa anak at manugang na nkatagged.
DONATIONS NEEDED:
#Diaper
#Milk
#Biscuits
#Oatmeals
#Damit
At higit sa lahat po ay #WELCHAIR po sana pra mailabas po sya minsan at maipasyal sa labas upang mkapagnilay-nilay din po sa paligid at mkalanghap ng sariwang hangin.
P.L.E.A.S.E……..S.H.A.R.E…..

advertisement