Magandang babae, Ikinulong ng pamilya habang sako lang ang damit! Bakit kaya!

Local News

Nagsusumamo ang isang socmed user na nagngangalang Gi Gi upang matulungan ang isang 29-anyos na babaeng sako lamang ang suot na damit nang makuhanan ng litrato sa kaniyang kulungan.

Ayon sa ibinahaging post ng naturang netizen, ang babaeng ito ay si alyas “Bebe”, pangalawa sa limang magkakapatid mulasa Brgy. Maquiling, Sagay City, Negros Occidental. Wala raw sa matinong pag-iisip ang babae mula panoong taong 2009, resulta ng Nervous Breakdown.

Napatignan naman na raw sa espesyalista at nagamot na noong taong 2014 sa isang mental health facility. Ngunit sa kasamaang palad, nagkasakit ang kanilang ama at dahil na rin sa mga gastusi’y hindi na kinaya nang kanilang pamilya na ipagpatuloy pa ang pagpapagamot ni Bebe.

Mayroon na rin daw mga kaso na naghahalusinasyon o ‘di kaya’y nananakit, lagi rin daw umaalis ng bahay at kung saan-saan pumupunta, kung minsa’y napapalayo pa o kaya naman’y kahit gabi na.

Kung kaya naman nagdesisyon na lamang ang pamilya ni Bebe na ikulong na lamang siya, sa pangamba rin na baka siya ay mapagsamantalahan o madisgrasya.

Ngunit, saad ni Gi Gi sa kaniyang socmed post, hindi raw nagmomodel-model-an lang ang babae at hindi rin naman pinapabayaan ng pamilya nito.

Sa totoo lang daw, kaya sako lamang ang kaniyang saplot salarawan ay dahil nginangatngat o pinupunit lamang daw nito ang damit at pagkatapos daw nila itong kuhanan ng litrato, saka pa lamang napaliguan at nadamitan ng maayos si Bebe. Ang kulungan din daw nito ay maliit dahil nasa bahay lamang nila ito.

Ngayon daw ay gusto nalamang ng pamilya niya na makarating ang mensaheng iyon samga taong may pusong tumulong pinansyal o kahit sa panalangin.

Nanghihingi rin daw sila ng tulong sa programang Raffy Tulfo in Action at Kapuso Mo Jessica Soho