Magkapatid, nakatulog na sa daan dahil sa pagod sa pagtitinda ng sampaguita maghapon

Local News

Isang netizen ang nakunan nang larawan ang dalawang batang ito habang nagtitinda ng sampaguita naawa siya sa mga ito dahil bukod sa maulan ng mga oras na iyon ay karga pa ng bata ang kaniyang maliit na kapatid habang patuloy na nag titinda ng sampaguita,

Pa maya-maya pa ay umupo ang bata sa isang sidewalk na tila hapong-hapo, lumipas ang ilang minuto ay tila nakatulog ito naantig ang netizen sa kalagayan ng mga bata dahil sa imbis na sila ay naglalaro at walang iniisip ay heto sa murang edad ay maaga nang nag babanat ng buto. at imbis nasa paaralan ang mga ganitong bata at nag-aaral.

Hindi ba bago ang ganitong pangyayari sa mga kabataan na sa murang edad ay mulat na sa realidad ng buhay,
dahil narin sa hirap ng buhay, kaya ito nagagawa ng ilang mga bata na tumulong sa kanilang mga magulang upang may makain sa araw-araw.

Ibinahagi ng netizen na si Nahara pagayawan, dahil sobrang naawa siya sa kalagayan ng mga bata hiling niya sa kaniyang post sa pamunuaan ng DSWD na sana gumawa sila ng aksyon sa mga ganitong pagkakataon dahil kawawa ang kanilang kalagayan, lubhang nakapaka delikado sa kanila ang nasa labas at nagtitinda ng sampaguita. at sana’y matulungan sila at mabigyan ng tulong at gabay.

Dag-dag pa niya sa mga magulang ng bata na sana’y hindi dapat pinapagawa ito sa kanilang mga anak kahit na mahirap ang buhay ay hindi parin tama na ganito ang mangyayari sa kanila.