Magkumareng nagparinigan sa FB, Nauwi sa hiwaan ng blade sa mukha

Local News

Dahil sa parinigan sa facebook nauwi sa hindi maganda ang nangyari sa magkumare na ito. Sa post ng Kapuso Mo Jessica Soho ay mababasa ang dahilan kung paano ito nagsimula.
Narito ang kwento:

“Nag-post siya sa social media. Sabi niya, ‘Nakakatawa naman ‘tong mga kapitbahay kong tsismosa’.
Sabi niya sa akin, ako raw ‘yung tinutukoy niya. Aso raw ako na inggitera!

Basagin niya raw ‘yung mukha ko
Hanggang nito lang, nu’ng pumunta ako sa kapitbahay namin, nagparinig siya sa akin na asong pobre raw ako at walang makain.

Nagpang-abot na kami! ‘Yun pala, may hawak na siyang blade!
Tinira niya na nang tinira ‘yung mukha ko gamit ‘yung blade. Naramdaman ko na lang na parang napupunit ‘yung mukha ko!”
-Divine

“Aminado ako na nag-post ako nang hindi maganda. Pero nu’ng una naman, wala akong binanggit na pangalan!
Eh kinabukasan, nag-post nga siya, may kabit daw ako!
Hanggang lumabas ako para bumili ng almusal. Pinaparinggan nila ako.
Nu’ng pabalik na ako sa bahay namin, nagulat na lang ako na may sumabunot sa likod ko!
Napasubsob ako doon sa pathwalk namin na tinatapunan ng basura.
Doon ko na nadampot ‘yung blade.
Hindi ko na alam kung anong nangyari at kung ano ang ginawa ko.”
-Kheycy


BANGAYAN SA FACEBOOK, PAANO NGA BA MAIIWASAN PARA HINDI NA LUMALA? MASINSINAN NATING PAG-USAPAN NGAYONG LINGGO SA KMJS